ZAMBOANGA CITY – Timbog ang dalawang Abu Sayyaf matapos silang madakip ng pulisya sa Zamboanga City na kung saan sila nagtago mula ng makatas sa militar sa magulang lalawigan ng Basilan.
Nakilala ang mga rebelde na sina Sammer Lanjang at Askabal na sabit sa pagdukot at pamumugot ng ulo ng 15 mga Kristiyanong magsasaka sa Basilan noon 2001. Nahaharap sa patong-patong na kasong kriminal ang mga suspek at ngayon ay kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya.
Nabatid na pawang mga tauhan ni Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon at Asirin Taulani sa Basilan ang mga ito. Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang dalawa.
Inaalam pa ng pulisya kung may mga kasamahan pa ang mga nadakip o kung may plano silang umatake sa Zamboanga City na kalapit lamang ng Basilan, isa sa 5 lalawigan sa ilalim ng Muslim autonomous region. Sinabi ng pulisya na natunugan nito ang pagdating ng mga suspek sa Zamboanga kung kaya’t inilagay sa surveillance hanggang sa mabasyo. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
No comments:
Post a Comment