FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, February 17, 2018

Pamilyadong kelot, huli sa blackmail 

PAGADIAN CITY – Isang pamilyadong lalaki ang dinakip ng pulisya matapos na ireklamo ng dating nobya nito na ikakalat ang mga nakahubad na litrato at video ng babae kung hindi ito makikipag-sex sa kanya sa bayan ng Gutalac sa Zamboanga del Norte.

Agad na humingi ng tulong sa pulisya ang 22-anyos na babae matapos na takutin ni Agapito Caballero, 46, na ilalagay nito sa Facebook ang mga larawang hubad ng biktima, gayun rin ang mga video nilang dalawa.

Mabilis na nagplano ang pulisya upang madakip si Caballero. Nakipagkita umano si Caballero sa babae sa bayan ng Tampilisan at doon ito naaresto.

Nabatid na madalas umanong takutin ni Caballero ang babae sa tuwing gusto nitong makipag-sex sa 22-anyos na biktima nito. Nabawi naman ng pulisya mula kay Caballero ang cell phone nito at doon nakita ang mga hubad na larawan at video ng babae.

Nahaharap sa kasong kriminal si Caballero, ayon sa pulisya at desidido ang babae na tuluyan ang dating kalaguyo. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper


No comments:

Post a Comment