FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, July 9, 2020

LTFRB sa Zambo, bumigay sa paki-usap ni Mayor!

NAKIUSAP SI Mayor Beng Climaco sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na payagan ang mga public utility vans (PUVs) mula east coast na ihatid ang kanilang mga pasahero sa downtown Zamboanga.



Si Mayor Beng Climaco kasama si IBT Supervisor Rafael Derick Evangelista III at iba pang mga opisyal habang ininspeksyon ang lugar. (Eldrich Uy)
Ito ay matapos na mabatid ni Climaco ang paghihirap ng mga pasahero sa paghihintay sa mga PUVs sa Integrated Bus Terminal (IBT) at sa mga sumbong na natanggap nito.

Agad rin pinulong ni Climaco ang mga operators at drivers at grupo ng mga PUVs sa IBT, kasama ang mga opisyal ng LTFRB, Land Transportation Office, Philippine National Police, at iba pa.

Kasama sa pulong sina LTO Assistant Director Yul Lamping, Assistang City Administrator Cesar Raz, City Secretary Atty. Kenneth Beldua, at IBT Supervisor Rafael Evangelista.

Pumayag naman ang LTFRB sa pakiusap ni Climaco kung kaya’t tuwang-tuwa ang mga PUV operators at drivers sa pagsusumikap ni Mayor na matugunan ang kanilang hinaing at ng mga pasahero.

Maging ang mga pasahero ay todo ang pasasalamat kay Climaco.

Sinabi ni LTFRB Regional Director Zerita Climaco na muling pag-aaralan ng ahensya kung paanong madaragdagan ang ruta ng mga pampasaherong sasakyan habang nasa Moderate General Community Quarantine (MGCQ) sa Zamboanga.

Naunang sinabi ng LTFRB na ito mismo ang gumawa ng rebisyon sa ruta ng mga PUVs at Public Utility Jeeps (PUJs). Sinigurado naman ng LTFRB na daragdagan pa nito ng inisyal na 50 ang bilang ng 50 PUJs na ngayon ay bumibiyahe sa ruta ng IBT-downtown Zamboanga at vice versa.

Maglalagay rin ng help desk ang LTFRB sa IBT para sa mga reklamo ng overcharging at iba pang mga concerns. 

Sinabi naman ni Beldua na handa ang pamahalaang lokal na tulungan ang mga pasahero sa kabila ng limitadong pampublikong sasakyan na pinapayagan ng LTFRB na maka-biyahe. “The City Government has taken steps to assist the riding public and that it will continue to find ways to ease the burden of our commuters,” ani Beldua. (Zamboanga Post)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates


No comments:

Post a Comment